Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Radio commentator binoga sa Cebu mall

$
0
0

BINOGA ang isang radio block timer commentator sa mismong was parking area ng isang mall sa Cebu City nitong Huwebes ng hapon.

Ang biktimang si Apolinario “Jun” Arigo, ay tinamaan sa likod ng kanyang kaliwang hita matapos barilin ng isa sa motorcyle-riding gunman habang papasakay ito sa kanyang Ford Escapade pasado alas 4 p.m.

Bagamat iika-ika, nakasakay si Arigo sa taksi at nagpahatid sa pinakamalapit na ospital.

Tumakas naman ang mga suspect matapos ikasa ang pananambang.

Nakarekober ang pulisya sa crime scene ng basyo mula sa .45-caliber pistol.

Sa panayam kay Arigo sa ospital na pinagdalhan, naniniwala ito na ang pamamaril sa kanya ay may kaugnayan sa kanyang trabaho.

Ibinuyag din nito na may natatanggap siyang pagbabanta sa buhay bago ang insidente.

Mayroon siyang ideya kung sino ang nagpabaril sa kanya pero hindi naman ibinunyag ang pagkakakilanlan nito.

May program sa DYDD El Nuevo Bantay Radyo ang biktima. Ang kanyang block time program ay nagtapos bago pa ang midterm elections.

The post Radio commentator binoga sa Cebu mall appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>