NIYANIG ng 3.3 magnitude na lindol ang Southern Leyte kahapon ng hapon Hunyo 20, 2013 (Huwebes).
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang pagyanig sa silangan bahagi ng Padre Burgos, Southern Leyte dakong 1:21 ng hapon kahapon.
Sinabi ng Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 017 kilometro.
Wala naman napinsala o inaasahan aftershocks naturang lindol.
The post Southern Leyte niyanig ng 3.3 magnitude na lindol appeared first on Remate.