IPINASUSULONG na ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong kidnapping for ransom kaugnay ng pagdukot sa convicted murderer na si Rolito Go at pamangkin nitong si Klemens Yu sa loob mismo ng New Bilibid Prisons noong nakaraang taon.
Sa 21 pahinang resolusyon na inaprubahan ni Prosecutor General Claro Arellano, nakasaad na nakitaan ng probable para isulong ang kaso sa korte laban kina Emilio Ortiz alyas emil, Lawrence Yurong, Emerson Guazon, Fernando Francisco, Armando Mondero, Jerry Duenas at Reynaldo Tatad alyas ‘Reggie”.
Ibinasura naman ang kaso laban sa isang Kumandez Rico at isang John Does dahil sa kawalan ng positibong identification na magpapakita ng partisipasyon ng mga ito sa krimen.
Si Ortiz, kamag-anak umano ng napatay noon ni Go na si Eldon Maguan, ang sinasabing mastermind umano sa pagdukot sa magtiyuhin.
Batay sa record, Agosto 14, 2012 ay dinukot umano ng mga respondent sina Go at Yu habang nasa isang Nipa Hut sa loob ng NBP reserve compound kung saan ikinulong umano sila sa isang safehouse sa Sto. Tomas, Batangas ng isang araw.
Habang bihag, hiningan umano ng kinilala lamang sa tawag na Kumander Rico si Go ng P200 milyon kapalit ng kanilang kalayaan na bumaba sa P50 milyon.
Gayunman pinalaya rin umano ang magtiyuhin ng walang makuhang ransom at kinuha kay Yu ang kaniyang ATM kung saang nag-withdraw ang kanilang abductor ng halagang P60,000 at kinuha ang kaniyang credit card.
The post Mga dumukot kay Rolito Go, pinakakasuhan ng DOJ appeared first on Remate.