PATAY sa trahedya ang isang batang babae habang sugatan naman ang kapatid nito nang suwagin ng rumaragasang 6×6 trak sa Isabela kaninang umaga (Hunyo 21).
Dead on arrival sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si Diosa Diego, 2-anyos, habang sugatan naman ang kuya nitong si Boyet Diego, 4-anyos, kapwa residente ng Barangay Barcolan sa Gamu, Isabela.
Nasakote naman agad at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at serious physical injuries ang drayber ng trak na si Algier Aguilar, 29-anyos, may asawa at residente ng Yeban Norte, Benito Soliven, Isabela.
Naganap ang insidente dakong 9:30 ng umaga sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakatayo sa gilid ng daan ang magkapatid nang biglang sumulpot ang trak ni Aguilar at sinuwag ang mga biktima.
The post Magkapatid sinuwag ng trak, 1 todas, 1 sugatan appeared first on Remate.