Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mag-lola sugatan sa tama ng sumpak

$
0
0

SUGATAN ang mag-lola kabilang ang isang 4-na taong gulang na batang lalaki matapos magpaputok ng sumpak ang kanilang kapitbahay sa Payatas, Quezon City kagabi.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Anita Hipolito Logacho, 62, may-asawa ng Group 3 Isang Dakot Compound, Area B, Payatas, QC at ang isang 4 na taong gulang na batang lalaki na si Lito Logacho.

Kapwa isinugod sa East Avenue Medical Center ang dalawa kung saan nilapatan ng lunas.

Agad naman nadakip ang suspek na si Danny Ganilo, 32 ng Group 3 Isangdakot Compound, Area B, Payatas, QC.

Ayon kay SPO1 Alden Lasam ng Quezon City Police District station 6 Batasan, naganap ang insidente sa Group 3 Isangdakot Compound, Area B, Payatas, QC dakong 7:45 ng kagabi.

Sa ulat na nag-aaway ang kapitbahay ng mga biktima na mag-live in partner na nakilalang sina Joy at Bolongay nang makalampag ang pintuan ng suspek dahil sa ingay ng away ng una.

Nagalit umano ang suspek at nagpaputok ng sumpak na ikinasugat naman ng mga biktima .

Agad naman nadakip ang suspek matapos ang insidente at nahaharap sa kasong frustrated  homicide at illegal possession of firearm.

The post Mag-lola sugatan sa tama ng sumpak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>