Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Sumadsad na barko ng China, nasira – PCG

$
0
0

NILINAW ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasiraan at walang anumang misyon ang Chinese cargo vessel na namataan sa Malapascua Island sa Cebu.

Ayon kay PCG spokesman Lt. Commander Armand Balilo, may natanggap umano ang opisina ng distress call mula sa Hong Kong Maritime Rescue Coordinating Center na nagsasabing nagkaroon ng sira ang M/V Ming Yuan, isang cargo vessel mula sa China.

Kaugnay nito, naghihintay pa ang PCG headquarters sa magiging report ng tauhan na nagtungo na sa lugar mula sa PCG, Bureau of Customs (BoC) kasama ang immigration at quarantine officials na lulan ng BRP Nueva Viscaya.

Nabatid na ang nangyaring insidente sa barko ng China ay dalawang buwan matapos sumadsad ang isang barkong pangisda ng China sa Tubbataha Reef noong Abril 8 na nakunan ng frozen pangolins.

Kinasuhan na rin ang 12 Chinese na sakay ng barko ng iligal na pangingisda at panunuhol sa mga park officials sa lugar.

Ayon kay PCG spokesperson Lt. Cdr.. Armand Balilo, bandang alas-4:00 ng Biyernes ng madaling araw nang namataan ng mga mangingisda ang Chinese vessel sa isla.

Agad namang nagsagawa ng inspeksyon ang Coast Guard katuwang ang Bureau of Quarantine (BOQ), Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Immigrations (BI) sa Cebu.

Sabi ni Balilo, hindi nakapagsumite ng notice of arrival ang cargo vessel na “Ming Yuan” na may sakay na 24 na tripulanteng Chinese.

Galing ang barko sa Taipei, Taiwan at papunta ng Isabel, Leyte para mag-deliver ng iron ore.

Kinumpiska naman ng Bureau of Immigration (BI) ang mga passport at seaman’s book ng mga crew ng barko.

The post Sumadsad na barko ng China, nasira – PCG appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>