NAMATAY sa pagamutan sa Banguio District Hospital ang alkalde ng Luna, Apayao samantala patay doon din ang kanyang bodyguard matapos bumangga ang kanilang sasakyan sa punong kahoy sa Brgy. Pasaleng, Pagudpud, Ilocos Norte kaninang madaling araw.
Kinilala ni P/Insp. Suerte Obongen, deputy chief of police ng PNP Pagudpud ang mga namatay na sina Mayor Betty Bersola ng Luna, Apayao at ng kanyang bodyguard na si Marlon Taclibon.
Sugatan naman sa insidente si Vice Mayor Josephine Bangsil, Milette Agustin at isa pang hindi na pinangalanan.
Ayon kay Obongen, naganap ang insidente habang papauwi na ang mga biktima sa Luna, Apayao nang biglang tumawid sa kalsada ang isang kalabaw kaya’t iniwasan ngunit dahilan ng pagbangga ng sasakyan sa isang punong kahoy.
Ang bise alkalde ay inilipat sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City dahil sa mga malalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
The post Mayor, body guard patay sa aksidente appeared first on Remate.