Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 trabahador, iniimbestigahan sa leak sa oil depot

$
0
0

KASALUKUYAN nang iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang warehouse  workers na posibleng nakakaalam sa pagkakaroon ng oil leak sa Sta. Ana, Maynila.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Philippine Coast Guard (PCG) na rumisponde sa lugar dahil sa mga reklamo ng ilang residente na apektado ng oil spill at dahil na rin sa masangsang na amoy mula sa nagkalat na kemikal ay  pinaniniwalaang tumagas ang bunker oil sa Ilog Pasig mula sa pipeline ng isang warehouse sa bahagi ng Panaderos Street.

Karamihan sa mga residente ang nakaranas na panankit ng dibdib, nahirapang huminga nang maamoy ang masangsang na amoy ng langis.

Kaliwa’t kanan din ang natanggap na reklamo ang tanggapan ng Mayor Office kaya agad din itong inimbestigahan at ilaalam hanggang sa ngayon ang dahilan ng pagtagas ng langis sa oil depo.

Tiniyak naman ni Manila Mayor Alfredo Lim na pagsasagawa ng malilamng imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang punot-dulo ng oil leak na kumalat na rin sa iLog Pasig.

The post 2 trabahador, iniimbestigahan sa leak sa oil depot appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>