KULONG ang isang mister matapos ibalibag ang sanggol na anak makaraang tanggihan ng misis na makipag-sex sa Caloocan City noong nakalipas na Linggo.
Nahaharap sa kasong child abuse si July Baret, 58 ng Julian Felipe St., ng lungsod habang nasa ligtas nang kalagayan ang biktimang 1½ taong gulang na sanggol na lalaki.
Sa ulat, kamakalawa ng gabi ay humiling makipag-sex ang biktima sa asawang si Luz subalit tumanggi ang huli na naging dahilan upang lumabas ng bahay ang una at nakipag-inuman.
Dakong alas-4 ng madaling araw, lasing na umuwi ang suspek at muling humirit subalit muling nabigo at sa asar ay binuhat at ibinalibag sa sahig ang natutulog na sanggol.
Sa ingay ay napabangon ang ilang kasambahay na tumawag ng mga barangay tanod at dinakip ang suspek.
The post Mister na hindi naka-score, kulong nang ibalibag ang sanggol na anak appeared first on Remate.