Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kidnap victim laya na matapos ang 1 buwan

$
0
0

MATAPOS ang halos isang buwan na pagkakadukot, nakabalik na sa kanyang pamilya ang isang lalaking tinangay ng hindi nakikilalang kalalakihan sa Koronodal City noong nakalipas na buwan.

Ang biktimang si Renato Asumbrado, 32-anyos, residente ng Fatima, General Santos City ay inihatid ng kanyang mga kidnapper noong Linggo ng gabi  sa tapat mismo ng Saint Anthony Parish sa Koronodal City.

Ayon kay Asumbrado, sa hindi pa niya malamang dahilan piniringan siya kahapon ng mga kidnappers at isinakay sa motorsiklo bago inilipat siya ng sasakyan hanggang sa makarating sila sa tapat ng nasabing simbahan at doon ay pinakawalan.

Sa salaysay ni Asumbrado, dinukot siya habang naglalakad sa kalsada ng dalawang naka-bonnet na kalalakihang sakay ng motorsiklo noong Mayo 24 at dinala siya sa MSU Tambler.

Ibinaba siya at muling isinakay sa motorsiklo at idinaan sa malubak na kalsada hanggang makarating sa isang lugar na itinago siya ng mahigit isang buwan.

Agad namang ipinaalam ng pari ng St Anthony Parish kay Mayor Peter Miguel ang pangyayari at agad namang itinurn-over ito sa Koronadal City PNP para sa kaukulang disposisyon.

Hindi naman matiyak ng pulisya kung nagkabayaran ng ransom money sa pagitan ng pamilya ng biktima at ng mga mandurukot.

The post Kidnap victim laya na matapos ang 1 buwan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>