KRITIKAL ang lagay ng dalawang opisyal na pulis matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem noong nakalipas na Linggo sa Brgy. Northbay Boulevard South, Navotas City.
Inoobserbahan sa Tondo Medical Center si P/Insp Eljay Jacobe habang si P/Insp. Dave Garcia ay nakaratay at ginagamot sa Camp Crame hospital sanhi ng tig-dalawang tama ng bala ng 9mm pistol caliber sa likod na tumagos sa kanilang harapan.
Nabatid ang mga biktima ay kapwa nasa schooling status sa Camp Guillermo Nacar Philippine Public Safety sa Laguna City.
Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng get away motorsiklo na hindi pa naplakahan.
Sa ulat ni Sr. Supt. Conrado Gongon, hepe ng Navotas pulis kay Chief Supt. Joel Ma. Alvarez director ng Northern Police District, dakong ala-1:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Honorio Lopez tapat ng East West Bank sa nasabing barangay.
Nauna rito, hahango sana ng mga alimango at isda sa fishport ang mga biktima sakay ng kanilang motorsiklo na minamaneho naman ni Jacobe at pagsapit nito sa tapat ng nasabing bangko dito na sila binaril nang malapitan ng dalawang beses mula sa kanilang likuran na unang tinamaan si Garcia at tumagos naman sa katawan ni Jacobe
Nabatid naka-passes lamang ang mga nasabing opisyal sa kanilang training camp para magsadya sa nasabing fishport at humango ng isda.
Nakarekober ang mga awtoridad ng dalawang empty shell ng 9mm pistol na ginamit ng mga suspek.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.
The post 2 police inspector, kritikal sa bala appeared first on Remate.