Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

MNLF member huli sa buy-bust ng PDEA

$
0
0

ISANG miyembro umano ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang nasakote ng anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation noong June 20, 2013.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling suspek na si Abunawas Ambong Magalip, 39 anyos, habal-habal driver, ng  Purok 21, Block 4, Uhaw, Barangay Fatima, General Santos City.

Sinasabing si Magalip ay kasama sa listahan ng drug personality sa Region 12.

Nahuli si Magalip ng gabi Hunyo 20, ng mga elemento ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO 12) sa superbisyon ni Director Aileen Lovitos matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Purok Acharon, Lanton Extension, Barangay Apopong, General Santos City.

Nakumpiska sa suspek ang humigit kumulang sa 10 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P80,000 at ginamit na  buy-bust money.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa  Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

The post MNLF member huli sa buy-bust ng PDEA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>