Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

P156.8-M halaga ng marijuana, winasak ng mga awtoridad

$
0
0

TINATAYANG hindi kukulangin sa P156.8 milyong halaga ng marijuana, pinatuyong mga dahon nito, mga tangkay at buto ang winasak ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa apat na araw na eradication operation sa Kalinga mula June 19 hanggang 22, 2013.

Kabilang sa nag-operate ang team ng PDEA – Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) sa pangunguna ni Director Ronald Allan Ricardo at PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES) sa pamumuno ni Director Laurefel Gabales, na may logistical support ng PDEA Regional Offices 1 at 2, kasama ang 501st Infantry Brigade ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army (PA); 207th Tactical Helicopter Squadron and Tactical Operations Group-2, Philippine Air Force (PAF); Philippine National Police (PNP) Provincial Police Office Cordillera at PNP Special Action Force na naglunsad ng “OPLAN: Bitulayungan” sa 65,900 metro kwadrado na lawak na plantasyon ng marijuana sa Sitio Bitulayungan, Luccong, Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nasabing plantasyon ay nadeskubre lamang matapos ang dalawang beses na aerial reconnaissance operations ng PNP.

Umabot sa 733,800 fully grown marijuana plants at 72,000 grams ng marijuana dried leaves; 85,000 grams ng marijuana seeds; at 49,000 gramo ng pinulbos na tangkay ng marijuana na umaabot sa kabuuang halaga na Php 156,810,000.00 base sa halagang itinakda ng Dangerous Drugs Board (DDB).

The post P156.8-M halaga ng marijuana, winasak ng mga awtoridad appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>