BINULABOG ng bomb threat ang UP-Ayala Land Technohub sa Quezon City kagabi Hunyo 25,2013 .
Ayon sa Quezon City Police District, isang text message ang natanggap ng isang IBM assistant manager na nakasaad na isang bomba ang nakatanim umano sa building sa UP Techno hub sa Commonwealth Avenue, Diliman, QC dakong 7:00 ng kagabi.
Bunsod nito, daan-daang empleyado mula sa mga call center na nagtatrabaho sa naturang mga gusali ang nagbabaan.
Agad naman kinordon ng mga tauhan ng Quezon City police bomb ordnance division ang naturang lugar.
Subalit makalipas ang ilang oras na paghahanap ng mga awtoridad wala naman nakitang bomba sa lugar.
The post UP Techno hub binulabog ng ‘bomba’ appeared first on Remate.