Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Salvage victim lumutang sa Pasig River

$
0
0

HALOS maubos na sa pagpapak ng mga isda ang bangkay ng isang lalake nang madiskubre ng isang mangingisda kahapon ng umaga sa Pasig River sakop ng Brgy. Santolan.

Ang biktima na isinalarawan ng pulisya sa edad na 35 hanggang 40-anyos, katamtaman ang pangangatawan, may taas na 5’5, at nakasuot ng kulay itim na basketball na shorts.

Ayon kay P/Insp. Angel Sumulong ng Pasig PNP, dakong alas-11:45 ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakalutang sa ilog malapit sa Tawiran Ext., Brgy. Santolan, Pasig City.

Nabatid na isang hindi nagpakilalang mangingisda ang nakatagpo sa biktima at dinala an gang bangkay sa pampang bago nakiusap sa mga residente na tumawag sa pulisya.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay mayroon apat na saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan may busal sa bunganga at nakagapos ang kamay at paa.

Ayon sa pulisya ang bangkay ay biktima ng summary execution o salvage at itinapon sa ilog sa bahagi ng Marikina at Rizal na inanod naman sa Pasig City.

Dahil sa walang mapagkunang pagkakakilanlan, pansamantalang ilalagak ang bangkay sa Kampo Crame para sa kaukulang awtopsiya at safekeeping.

The post Salvage victim lumutang sa Pasig River appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>