NIYANIG ng mahinang lindol ang Cagayan at Davao Oriental kaninang madaling araw Hunyo 26, 2013 (Miyerkules).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang 2.5 magnitude na lindol sa kanluran bahagi ng Tuguegarao, Cagayan dakong 12:23 ng madaling araw.
Sinabi ng Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 030 kilometro.
Samantala, kaugnay nito naramdaman naman ang 2.7 magnitude na lindol sa Silangan bahagi ng Governor Generoso, Davao Oriental dakong 5:26 ng madaling araw kanina.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 131 kilometro.
Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa dalawang magkasunod na lindol.
The post Cagayan at Davao Oriental, nilindol appeared first on Remate.