Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Siga nanutok ng baril, kulong

$
0
0

KALABOSO ang isang siga matapos tutukan ng baril ang dalawang kalugar sa Caloocan City, Martes ng gabi, Hunyo 25.

Nahaharap sa kasong grave threat at illegal possession of firearm si Ariel Bacunawa, 44 ng NPC cmpd., Congressional Road ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi, papalabas na ng cmpd., si Levi Bucag, 20 nang sigawan ng suspek na walang lalabas habang nakatutok ang baril.

Nilapitan pa ng suspek si Bucag at ipinasubo ang dulo ng paltik na .38 subalit makalipas ang ilang sandali ay umalis na rin ang suspek.

Nakasalubong naman ng suspek ang isa pang kalugar na si Karen Dorado, 24 at hinila bago tinutukan din ng baril sabay sabi na may atraso umano ang asawa ng huli.

Dahil sa takot ay hindi nakagalaw ang babae hanggang sa iwan na rin ng suspek.

Nagawang makapagsumbong sa mga pulis ang dalawang biktima na naging dahilan upang arestuhin ang suspek at sinampahan ng mga nasabing kaso.

The post Siga nanutok ng baril, kulong appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>