SWAK sa kulungan ang isang Japanese national at ang kanyang dyowang guest relations officer (GRO) matapos maaktuhang nagtatalik sa tabing dagat sa Bakhawan, Daanbantayan sa lalawigan ng Cebu nitong Martes ng gabi (Hunyo 25).
Nahaharap sa kasong public scandal at nakakulong sa Daanbantayan police station ang banyagang si Keigo Netso Male, 31, tubong Shinagawaku, Tokyo, Japan na nagbabakasyon lamang sa lalawigan ng Cebu habang ang babae naman ay si Arlene Ganaba Diesto, 31, GRO sa Mermaid Bar sa Lapu-Lapu City.
Ayon kay PO3 Romar Andrino ng Daanbantayan police station, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga residente na nakasaksi sa pagtatalik ng dalawa.
Nang kanilang pinuntahan, naaktuhan pa nilang hubo’t hubad ang dalawa habang nag-ooral sex.
Napag-alaman na kabilang sa mga nakasaksi sa pagtatalik ng dalawa ay ang mga bata sa lugar dahil maliwanag pa nang kanilang ginawa ang kahalayan ng bandang hapon pa.
The post Japanese nat’l at GRO, nag-sex sa tabing dagat, kulong appeared first on Remate.