KULONG ang isang mister matapos pagbantaang papatayin ang ginang na kapitbahay at makuhanan ng patalim sa Caloocan City Miyerkules ng madaling araw, Hunyo 26.
Nahaharap sa kasong grave threat at illegal possession of deadly weapon si Antonio Panaligan, 53, ng Libis Espina st., ng lungsod.
Sa pahayag ng kapitbahay ng suspek na si Salve Rosario, 39 na dakong alas-2 ng madaling araw, lasing ang suspek at nagmumura sa tapat ng kanilang bahay kung saan sinabi pa ni Panaligan na kaya siyang patayin nito.
Hindi na nilabas ng biktima ang suspek hanggang sa magdatingan ang mga barangay tanod na naging dahilan upang dakpin si Panaligan at dalhin sa presinto bago sinampahan ng mga nasabing kaso.
The post Mister kulong sa patalim at pagbabanta appeared first on Remate.