Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Barbero sinaksak ng kalaro sa bilyar, kritikal

$
0
0

KRITIKAL ang isang barbero matapos pagsasaksakin ng kalaro sa bilyar sa Valenzuela City Martes ng gabi, Hunyo 25.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Rotnick Longino, 37 ng Ciudad Grande, Lingunan ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Christopher Delima, alyas Bugok ng Fernando st., Malanday ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi, dumayo ng bilyar ang biktima sa lugar ng lasing na suspek kung saan nag-iinangay ang huli.

Naasiwa ang biktima at sinaway ang suspek subalit nagpatuloy pa rin sa pag-iingay na naging dahilan upang batukan ng una.

Nagalit ang suspek na naging dahilan upang magsuntukan subalit nagawang mabunot ng una ang dalang patalim at pagsasaksakin ang biktima.

Kahit sugatan, nagawang pang makatakbo ng biktima at nakahingi ng tulong na dinala sa JRMMC habang tumakas na ang suspek.

The post Barbero sinaksak ng kalaro sa bilyar, kritikal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>