NAGLABAS ng direktiba kahapon si Quezon City District Director Col. Richard Albano, sa 12 station commanders ng QCPD na tutukan sa kanilang mga nasasakupan ang umano’y talamak na droga na kinasasangkutan ng mga menor-de-edad.
Ayon kay Albano, may impormasyon silang nakalap na ginagamit ngayon ng sindikato ang ilang kabataan partikular ang mga menor-de-edad sa pagtutulak ng iligal na droga .
Matatandaang isang drug den ang sinalakay noong isang araw ng mga operatiba ng District Anti-Illegal Drug ng QCPD sa loob ng Muslim compound sa Brgy. Culiat QC na nagresulta sa pagkakaaresto sa may 22 katao na kinabibilangan ng limang menor-de-edad,
Sinabi ni Albano, na sinasamantala umano ng mga sindikato ng droga ang murang kaisapan ng mga kabataan , dahil alam nila na hindi ito makukulong dahil sa Juvenile Welfare Act.
Dagdag pa ni Albano, hindi naman hadlang ang Juvenile Act dahil ang sinomang mahuhuling menor-de-edad na nasangkot sa iligal na droga ay inilalagay muna sa pangangalaga ng social workers sa DSWD kasama ang mga magulang para isailalim sa counselling, pero hindi pa rin sila ligtas na makasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.
The post Talamak na droga sa mga menor-de-edad sa QC, pinatutukan sa mga pulis appeared first on Remate.