INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang Muslim matapos barilin kagabi sa San Miguel, Maynila.
Idineklarang dead-on the-spot ang biktima na si Mantawe Gubat, 31, cellphone technician at nakatira sa Islamic Center sa nasabing lugar.
Nakatakas naman ang suspek na nakilala lamang sa tawag na Mensu Purot, 27.
Sa report ni SPO2 Ronald Gallo, imbestigador ng MPD-Homicide Section, dakong alas-10:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Mariag St., at Calimuan St., San Miguel, Maynila.
Nauna rito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang ‘di pinangalanang tiyuhin ng biktima at tiyuhin din ng suspek.
Napansin umano ang nasabing pagtatalo ng suspek na noo’y armado ng baril at tiningnan lamang ang tiyuhin ng biktima.
Tiyempo namang pababa ng tricycle ang biktima nung mga oras na iyon kung saan sa kanya ibinaling ng suspek ang galit at walang sabi-sabing binaril sa katawan.
Dinala na sa Mosque ang labi ng biktima alinsunod na rin sa tradisyon o religious belief ng mga Muslim.
The post Cellphone tech binoga, patay appeared first on Remate.