PATAY ang isang hindi nakikilalang lalaki makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi rin nakilalang mga suspek malapit sa terminal ng Florida bus sa Kanto ng Legarda at Santa Teresita Sts., Sampaloc, Maynila kaninang madaling araw.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 30 hanggang 35, may taas na 5’5″- 5’7″, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng itim na t-shirt at maong pants at naka-tsinelas.
Sa report ni SPO3 Glemzor vallejo, imbestigador ng MPD-Homicide Section, dakong alas 3:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.
Nauna rito, kasalukuyang duty ang guwardiyang si Eleoterio Marayog, sa terminal nang mapansin ang sasakyang Sedan na huminto saka bumukas ang kanang bahagi ng pintuan nito.
Ilang sandali pa ay itinulak naman pababa ng sasakyan ang di nakilalang biktima ng mga di nakilalang suspek saka binaril sa ulo at dibdib na agaran nitong ikinamatay.
Sa salaysay ni Marayag, habang binabantayan niya ang paligid ng bus terminal ay biglang sumulpot ang puting sasakyan na hindi niya naplakahan.
Patuloy namang inaalam ng pulisya ang buong pagkakilanlan ng biktima.
The post Lalaki binaril, patay appeared first on Remate.