SWAK sa kulungan ang isa sa dalawang kawatan nang holdapin ng mga ito ang isang empleyado kagabi June 29 sa Brgy. Northbay Boulevard South, Navotas City.
Kinilala ang suspek na si Rajie Salvador y Revira, 34, binata, walang hanap buhay ng Blk 17, Longos Malabon City. Nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang kasama ng suspek.
Ayon sa ulat, dakong alas 11:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa Lapu-Lapu Avenue sa nasabing barangay.
Naglalakad ang biktimang si Gleo Eric Tajos, 32, oiler ng Royal Fishing Co. ng Dalagang Bukid St. NBBS ng tutukan ng patalim sa leeg ni Salvador habang ang kasamahan nito ay kinulimbat ang personal na kagamitan ng biktima.
Natangay ng mga suspek ang cash na pera P1,700 at isang mamahaling celphone.
Humingi ng responde ang biktima sa pulisya at sa isinagawang follow up operation natunton ang suspek na si Ranjie. Agad na dinakip ang suspek at binitbit sa presinto.
Kinilala ng biktima si Ranjie na siyang tumutok ng patalim sa kanyang leeg. Hindi na naibalik ang mga nakulimbat dahil hawak ng nakatakas na suspek.
The post 1 sa 2 holdaper, tiklo sa Navotas appeared first on Remate.