NAGBARIL sa sarili ang isang panadero matapos unahin nitong asintahin ang kanyang nobya sa Cebu City kaninang madaling araw (Hunyo 30).
Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng kalibre 22 sa dibdib ang suspect na si Benjie Sanangote, 24-anyos, habang isinugod naman sa Cebu City Medical Center (CCMA) sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Maria Cecilia Oliveros, 22-anyos, kapwa tubong Cebu City.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:35 ng madaling araw sa loob mismo ng bahay ng magka-live in.
Ayon sa may-ari ng bahay ng tinitirhan ng mag-kalive in, bago ang insidente ay hindi naman niya narinig na nag-aaway ang kanyang dalawang tenant.
Nagulat na lamang siya nang may umangalingawngaw na magkasunod na putok ng baril na nanggaling mula sa inuupahang kuwarto ng magka-live in.
Narekober ng pulisya ang limang basyo ng .22 magnum revolver pistol.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen pero malakas ang hinala na sanhi ito ng problema sa relasyon. Sina Oliveros at Sinangote ay may isang taon nang nagsasama.
The post Panaderong bumaril sa ka-live-in partner, nagpakamatay appeared first on Remate.