Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bagyong Gorio lumihis, Metro Manila naisalba

$
0
0

DAHIL sa paglihis ng bagyong Gorio, naisalba ang Metro Manila sa nakaambang mga pagbaha dulot ng mga pag-ulan ngunit nanalasa ito sa bahagi ng Batangas at Mindoro.

Magkagayunman, nanatiling nakataas kahapon ang storm warning signal No.1 at basa pa rin sa Metro Manila dahil sa mararanasan na mga pag-ulan lalo na sa  gabi.

Ayon kay PAGASA acting administrator Vicente Malano, ang epekto ng bagyo sa northern Metro Manila ay makaka-apekto rin sa katimugang bahagi pero malabo na bumaha kagaya ng karanasan ng Metro manila noong bagyong Ondoy.

“Kung naging north of Metro Manila ito, kagaya ng Ondoy, magbubuhos ng maraming tubig at magdudulot ng baha,” ayon kay Malano.

Kahapon ng hatinggabi ng linggo, nagkaroon din ng kaunting pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila particular sa erya ng Barangay Pio del Pilar sa Makati City at sinasabing hindi nadaanan ng maliliit na sasakyan ang bahagi ng P. Medina na lumubog sa baha.

Umabot sa hanggang 3 pulgada ang taas ng tubig baha sa Barangay San Antonio sa Mayapis at Caong Streets na hindi pa madaanan hanggang sa ngayon.

Ayon sa PAGASA bagamat 26 mga lugar pa kasama ang Metro Manila na nasa ilalim  pa ng  storm signals habang si Tropical Storm Gorio (Rumbia) ay nanalasa sa Batangas kahapon ng umaga.

Ayon pa sa PAGASA, inaasahan na maaring lumabas ng Philippine area of responsibility si Gorio sa Lunes ng madaling araws.

The post Bagyong Gorio lumihis, Metro Manila naisalba appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129