NALAMOG ang katawan ng isang binata matapos sapakin ng kanyang dating nobya at mahulog sa kanyang tinutuluyang boarding house sa Legaspi City kaninang madaling-araw (Hulyo 1).
Sa kabutihang palad, walang nabaling buto sa katawan ng biktimang si Ferdinand Montes, 22, ng Barangay 16, Tarlac, Legaspi City.
Hindi naman sasampahan na ng kaukulang kaso ni Montes ang kanyang dating nobya na si Katherine Velasco, 21, ng Pinaric, Legaspi City.
Naganap ang insidente dakong 12: 45 kaninang madaling-araw sa ikalawang palapag ng boarding house na inuupahan ng biktima.
Bago ito, pinipilit umano ni Montes si Velasco na makipag-inuman sa rooftop ng kanilang boarding house kasama ang kanyang ka-boardmates .
Pero imbes sumama, pinagsusuntok at pinagtatadyakan pa ni Velasco si Montes hanggang sa mahulog sa ikalawang palapag.
The post BF na sinapak ng ex-GF nahulog sa boarding house appeared first on Remate.