Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Vietnamese vessel na sumadsad, naalis na

$
0
0

NAALIS na ang Vietnamese cargo vessel na sumadsad sa baybaying sakop ng Barangay San Roque, Legazpi City kahapon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) naalis ang barkong Minh Tuan nang tumaas ang tubig o nang maghigh tide kung saan pinaandar ang makina nito.

Kahapon ay nahirapan ang PCG na hatakin ang barko dahil sa lalim ng pagkasadsad nito kaya naman hinintay pa ng coast guard na tumaas ang tubig sa dagat.

Nabatid na tinangay ng malakas na alon at hangin noong Sabado ang nasabing barko dahil sa bagyong Gorio.

Nakatakda sana umano itong dalhin sa Sula Channel sa bayan ng Bacacay sa Albay ngunit ito ay sumadsad.

Napag-alaman na Disyembre 2012 pa nasa kostudiya ng Bureau of Customs Bicol ang nasabing barko dahil sa smuggled rice na karga nito.

The post Vietnamese vessel na sumadsad, naalis na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>