Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mga suspek sa jewelry shop robbery, tukoy na ng PNP Gensan

$
0
0

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – TUKOY na ng mga awtoridad sa lungsod ang mga susupek na responsable sa nangyaring holdapan sa Chantara Emporium sa Magsaysay Avenue noong nakaraang Hunyo 28, 2013.

Kinilala ni P/Supt. Ruel Beranggo, city deputy director for operation ng GenSan Police, ang mga suspek na sina Jethrow Jimenez, may kasong frustrated murder sa Malalag, Davao del Sur; isang alias Migz at Junjun, na kapwa dating mga bilanggo; isang dating pulis at isa pang kasama nito na hindi pinangalan muna.

Nakilala ang mga suspek base na rin sa pagkilala ng mga witness sa rouge gallery ng PNP.

Ayon kay Beranggo,nagkakahalaga ng mahigit kumulang sa P1-milyong halaga ng mga alahas ang natangay ng mga suspek na kung saan tumakas gamit ang tatlong motorsiklo.

Ang nilimas na mga alahas ay kinabibilangan ng 60 bracelet, 50 singsing, 30 earings, 30 pendants at 25 wedding rings na may kabuuang halaga na P1,046,160.

Sa ngayon, tinutugis pa ng mga kapulisan ang kinalalagyan ng dalawang pang suspek.

The post Mga suspek sa jewelry shop robbery, tukoy na ng PNP Gensan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>