LUMALABAS sa pagsisiyasat ng Philippine Coast Guard (PCG) na overloaded ang bangka na tumaob sa baybayin ng Concepcion, Iloilo City.
Sa pinahuling update, pito ang patay kabilang ang anim na bata, dalawang buwang sanggol at isang lola na nasa edad 72.
Bagamat may signal number 1 sa lugar nang mangyari ang insidente, hindi naman umano ito ang naging dahilan ng pagtaob ng bangka kundi nawalan ito ng balanse, ayon sa unang iniulat ng Punong Barangay ng Concepcion.
Pauwi na umano ang mga biktima mula sa isang fiesta noong Sabado ng gabi ngunit kahapon lamang sila na-rescue ang ibang pasahero.
The post Bangka tumaob, 7 patay appeared first on Remate.