NATIMBOG ng pinagsanib ng puwersa ng Manila Police District (MPD) at National Police Commission (Napolcom) ang isang 32-anyos na lalaki na gumagawa ng pekeng NAPOLCOM Entrance examination sa isang entrapment operations sa tinaguriang “Recto University” sa Sta Cruz, Manila.
Hawak na ng MPD ang suspek na si Robert Estanol, binata, isang fixer ng 1751 C.M. Recto Ave., Sta Cruz, Manila.
Sa report ni Police Insp. Consorcio Pangilinan, Hepe ng MPD-Counter Intelligence and Security Branch (CISB-DID/D2), dakong 10:30 ng umaga nang aaresto ang suspek sa harapan ng kanyang tindahan sa C.M. Recto Ave. Sta Cruz, Manila.
Ayon kay NAPOLCOM-NCR Regional Director Yolanda Lira, nakatanggap sila ng report hinggil sa mga ginagawang pekeng dokumento partikular ang NAPOLCOM Entrance Examination.
Agad naman nitong ipinag-utos na magsagawa ng surveillance hinggil sa nasabing report kung saan nagsagawa ng operasyon sa nasabing lugar ang kanyang mga tauhan subalit nagnegatibo matapos na hindi lumantad ang nasabing suspek.
Muling nagsagawa ng operasyon ang NAPOLCOM kasama ang MPD kung saan isang PO2 Aaron Quiling, nakatalaga sa MPD-CISB, ang nagpanggap na magpapagawa ng NAPOLCOM Entrance Examination at personal na nakausap ang suspek.
Inalok ng suspek si Quiling ng halagang P600 para sa nasabing dokumento at pinaghintay lamang ng una ang huli ng apat na oras at sa aktong iniaabot ang dokumento ay inaresto ang suspek.
Nakuha sa suspek ang mga pekeng dokumento kabilang ang NAPOLCOM Report Rating, NAPOLCOM Certification , PNP Entrance Report Rating at P600.
Bukod sa NAPOLCOM Entrance Examination ay gumagawa rin ang suspek ng mga pekeng Diploma, Transcript Record at iba pang dokumento.
Kasong paglabag sa Article 172 nf Revised Penal Code “ Falsification by Private Individual and Used of Falsified Documents” ang isinampang kaso laban sa sa suspek sa Manila City Prosecutors Office.
The post Gumagawa ng pekeng NAPOLCOM Entrance examination, arestado appeared first on Remate.