MAGPAPAULAN sa Metro Manila hanggang pababa ng Mindanao ang umiiral na intertropical convergence zone (ITCZ).
Batay sa ipinalabas na weather bulletin kaninang las 5:00 ng madaling araw ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang ITCZ, ang magbibigay ng maulap na kalangitan sa Kamaynilaan, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region, Visayas at Mindanao.
Makakaasa na daranas ang mga naturang lugar ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magiging bahagyang maulap na may pulo-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat.
The post ITZ magpapaulan sa MM appeared first on Remate.