DAHIL sa paglulustay ng salapi, dalawang Pinay ang hinatulang makulong ng tatlong taon sa United Arab Emirates.
Nabatid na ang dalawang Pinay ay nasangkot sa kasong paglustay sa P1.6 million na halaga ng pera ng kompaniyang pinagtatrabahuan ng mga ito.
Ang 35-anyos na Pinay ay dating executive sa Nakheel na na-convict in absentia dahil tumakas na ang mga ito at nakauwi ng Pilipinas.
Pinagmulta rin ang nasabing Pinay ng P1.6 million habang ang kaniyang kasabwat na 33-anyos na Pinay ay kulong din ng tatlong taon.
Ang Pinay executive ay siyang komokolekta ng cheque mula sa mga Chinese tenants.
Pinepeke umano nito ang pirma at ang kasabwat na Pinay ang inuutusang magpa-encash sa bangko at pansamantalang hindi binanggit ang mga pangalan ng mga ito.
The post 2 Pinay hinatulan ng 3-taong kulong sa UAE appeared first on Remate.