DAHIL hindi napigilan ang paghanga sa angking alindog ng isang dilag, isang 40-anyos na lalaki ang inireklamo ng babae makaraan umano siyang hipuan at halikan nito.
Galit na galit na nagtungo sa himpilan ng pulisya babae makaraan umano siyang bastusin ng suspek
Batay sa impormasyon isinumbong ng 40-anyos na babae ang suspek na kinilalang si Henry Martinez, 40, sa Catanuan, Quezon.
Ito’y makaraang yakapin, halikan at hawakan umano ang maseselang bahagi ng kanyang katawan ng naturang suspek.
Sa ngayon, nahaharap na sa kasong acts of lasciviousness ang suspek.
The post Kelot naakit sa alindog ng bebot, nanghalik, nanghipo appeared first on Remate.