BAGAMAT nasa zero alert ang bulkang Bulusan sa Sorsogon, nangangamba pa rin ang mga residente rito dahil delikado sa tuwing umuulan ang pagragasa ng lahar na galing sa bulkan.
Kapag nagkaganun, ang baha ay posibleng dumaan ang sa mga kabahayan sa lugar.
Dahil dito, nagsagawa ang Phivolcs sa pakikipagtulungan ng PDRRMC Sorsogon ng aerial survey sa layuning tingnan kung may mga nakaimbak na mga tubig sa kanal ng bulkan.
Ayon sa PDRRMC, normal pa naman ang bulkan at wala pang narerehistrong abnormalidad nito.
Tiniyak naman ng PDRRMC na may ginagawang hakbang ang gobyernong lokal para masiguro ang seguridad ng mga residente roon.
Samantala, patuloy pa rin ang babala ng ahensya na bawal pumasok sa loob ng apat na kilometrong danger zone ng nabanggit na bulkan.
The post Aerial survey sa Mt. Bulusan, ikinasa appeared first on Remate.