NAGBIGTI ang isang ginang matapos gulpihin ang kanyang batang anak sa Quezon City nitong Sabado ng ala 1 ng hapon (Hulyo 6).
Ang bangkay ng biktimang si Marvelina Escandor, 45-anyos ay natagpuan ng kanyang mga kapitbahay sa loob ng inuupahang apartment nito sa Barangay Baesa, Project 8, Q.C.
Ayon sa mga kapitbahay, bago ito ay nakarinig sila ng pagiyak at paghingi ng tulong ng isang bata sa loob ng nasabing apartment unit.
Sinabi ni Ricardo Arnaiz, may-ari ng mga apartment, kinatok niya muna ang pintuan pero dahil walang nagbubukas ay pinuwersa na nilang buksan ito kasama ang ilan sa kanilang kapitbahay.
Bumulaga sa kanila ang nakabitin na katawan ng biktima na itinali ang cable wire sa biga ng kisame bago ipinalupot ito sa kanyang leeg.
Natagpuan din ang duguang 8-anyos na batang lalaking anak ni Escandor na may bukol at pasa sa mukha at noo at isinugod agad sa ospital.
Ayon sa bata, pinalo siya ng bote ng alak sa ulo ng kanyang nanay at binugbog din bago ito nagbigti. Hindi naman natanong pa ang naturang bata kung bakit siya sinaktan ng kanyang nanay.
The post Ginang na nanggulpi ng anak, nagbigti appeared first on Remate.