Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Fun run niratrat, estudyante sugatan

$
0
0

ISA ang sugatan nang mamaril ang grupo ng kalalakihan sa kasagsagan ng fun run ng mga estudyante ng Bicol University-Sorsogon Campus, kaninang umaga sa ulat ni Philippine Army’s 9th Infantry Division spokesperson Lt/Col. Medel Aguilar.

Ani Aguilar, ang nasugatan ay nakilalang si Lian Layug, 17, at first year student ng Bicol University-Gubat campus.

Sa ulat, sumama ang mga tauhan ng PNP sa fun run na inorganisa at nilahukan ng mga estudyante ng naturang paaralan.

Subalit nang pabalik na ang mga lumahok sa bahagi ng Barangay Buenavista mula sa Barangay Rizal, bigla na lamang silang pinaulanan ng bala ng hindi pa mabilang na armadong kalalakihan.

Bunsod nito, gumanti naman ng putok ang mga pulis.

Tumagal ng halos limang minuto ang palitan ng putok ng dalawang grupo hanggang sa magsitakas ang mga suspect na pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Bagama’t walang nasugatan sa panig ng gobyerno, tinamaan naman ng ligaw na bala sa kanyang kanan at kaliwang paa si Layug na agad isinugod sa ospital.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 40 empty shell ng M16 rifle.

Nang magsagawa naman ng follow-up operation ang awtoridad lulan ng kanilang PNP mobile, muli itong pinaulanan ng bala ng kalabang grupo na pinaniniwalaang nagkubli sa bulubunduking bahagi 100 metro mula sa national highway.

Wala namang nasugatan sa mga tauhan ng PNP.

The post Fun run niratrat, estudyante sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>