Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bagyong Huaning, lalo pang lumakas

$
0
0

LALO pang lumakas ang bagyong “Huaning” na  inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), isa na itong tropical storm na may lakas na 65 kilometro kada oras (kph) at pagbugsong 80 kph”.

Huling namataan ang bagyo na may international code name na Soulik sa layong 2,140 km silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20kph.

Sa darating na Miyerkules, (Hulyo 10), inaasahang papasok ang bagyo sa PAR.

Tiniyak naman ng PAGASA na wala pang epekto sa bansa ang bagyo sa susunod na dalawang araw.

Bagamat palalakasin nito ang southwest monsoon o Habagat na siyang magpapaulan sa kanluran ng bansa sa Huwebes.

The post Bagyong Huaning, lalo pang lumakas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>