HULI sa ikinasang entrapment operation ang isang opisyal ng Bureau of Jail Managementand Penology (BJMP) dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.
Sa isinagawang buy-bust operation nitong Lunes ng hapon, nakuwelyuhan si Senior Jail Oficer I Victor Talay, 46, BJMP Lal-lo officer at residente ng Barangay Centro ng naturang bayan.
Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad mula sa isang “tipster” na may taong magdadala ng droga sa kanilang nasasakupan.
Tawag ng tungkulin, nagsagawa agad ng buy-bust operasyon ang mga kinauukulan na nagresulta sa pagkahuli kay Talay.
Nakumpiska mula kay Talay ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang unit ng cellphone at isang caliber .45 na baril.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng PNP Lal-lo si Talay habang hinihintay ang ilalabas na commitmment order mula sa korte.
The post BJMP off’cl tiklo sa pagbebenta ng droga appeared first on Remate.