NALAMBAT ng awtoridad ang isang most wanted person na suspek sa kasong pagpatay sa Quezon City kagabi, Hulyo 8,2013 (Lunes).
Kinilala ang suspek na si Rey Rios, 26, tubong Dimasalang, Masbate.
Ayon kay Inspector Alan Dela Cruz, hepe ng theft and robbery section ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nadakip ang suspek sa squatter area ng Brgy. Tatalon, QC dakong 6:00 kagabi.
Nabatid kay dela Cruz na si Rios ay nadakip dahil sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa ang korte.
Sinabi pa ni dela Cruz na dinakip ang suspek dahil sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Alfonso Ruiz II ng Quezon City Regional Trial Court Branch 216.
Nakapiit ngayon ang suspek sa naturang himpilan at nahaharap sa naturang kaso.
The post Most wanted nalambat sa Quezon City appeared first on Remate.