BUKOD sa lalo pang lumakas dahil isa na ngayong ganap na super typhoon, nasa loob na rin ng teritoryo ng Pilipinas ang bagyong Huaning.
Sinabi ni Chris Perez ng Philippine Astronomical Geophysical Atmospheric Service Authority (PAGASA), bandang alas-10:00 kaninang umaga (Hulyo 10) nang tuluyang makapasok sa karagatan na sakop ng bansa ang dating tropical depression.
Huli itong namataan sa layong 1,240 kilometro sa silangan ng Itbayat, Batanes at may taglay itong lakas ng hangin na 175 kilometro bawat oras at pagbugsong 210 kilometro kada oras.
Kumikilos ito ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Batay sa international scale, katumbas na ang bagyong Huaning ng category four hurricane at halos kasing lakas ng hurricane Katia na tumama sa Europa noong 2011 na nagdulot ng pinsalang umaabot sa $157 million o katumbas ng P6 billion.
Pinawi naman ng Pagasa ang pangamba ng publiko dahil sa bahagyang pag-angat ng bagyong Huaning kaninang umaga ay lalong lumiit ang tyansa nitong tumama sa kalupaan ng Pilipinas.
The post Bagyong “Huaning”, umentra na sa Philippine territory appeared first on Remate.