TULUYAN nang hindi nagising sa pagkakatulog ang isang 27-anyos na crew ng isang lights and sounds nang natagpuang patay sa isang clampshell na pinagtratrabahuan sa Intramuros, Maynila kaninang madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Alicio Vallespin, binata, tubong Camarines Sur at crew ng Automatic Light Works Entertainment.
Ayon kay SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 4:20 ng madaling araw nang natagpuang patay ang biktima sa harapan ng Clampshell ng Man Auto Exhibit sa kanto ng Anta at Sta Lucia St., Intramuros, Maynila.
Sinabi naman ni Rosenida Vanas, Supervisor ng Autiomatic Light Works Entertainment, naka-duty ang biktima bilang crew kung saan nakatutok ito sa pagkabit ng mga ilaw sa nasabing exhibit.
Nang matapos na ang exhibit, ginising ni Vanas ang biktima upang mag-empake na sana ng gamit subalit napansin nito na hindi na gumagalaw at patay na.
Ayon kay Lingcong, posibleng binangungot ang biktima dahil wala namang nakitang anumang sugat o palatandan na sinaktan ito.
The post Crew ng lights and sounds, natagpuang patay appeared first on Remate.