NIYANIG ng 5.2 magnitude na lindol ang North Cotabato kaninang umaga Hulyo 15, 2013 (Lunes).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang intensity 5 na lindol sa Carmen, North Cotabato.
Habang naitala naman ang intensity 4 na lindol sa Kabacan at Matalam, North Cotabato.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na naramdaman naman ang intensity 3 na lindol sa Tagum City, Davao del Norte, habang naitala naman ang intensity 2 na lindol sa Kidapawan City, Koronadal City, South Cotabato.
Ayon sa PHIVOLCS naramdaman ang lindol sa Silangan bahagi ng Carmen, North Cotabato dakong 9:28 ng umaga kanina.
Nabatid pa sa PHIVOLCS na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 004 kilometro.
Wala naman iniulat na napinsala sa naturang lindol ngunit may inaasahang aftershocks sa naturang lindol.
The post North Cotabato niyanig ng 5.2 magnitude na lindol appeared first on Remate.