BINABANTAYAN na ng mga pulis ang carnapper na tumangay ng motorsiklo sa Caloocan City, Sabado ng gabi bago masaksak sa nasangkutan kaguluhan.
Kinilala ang suspek na si Berlin Del Rosario, 21 ng Barracks 2, Tala habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama.
Sa pahayag ng biktimang si Gerry Magat, 21 ng Manggahan St., Malaria, alas-11 ng gabi noong Hulyo 13, naisakay niya ang mga suspek sa pinapasadang tricycle at nagpahatid sa James St., Tala ng lungsod.
Pagsapit sa nasabing lugar ay naglabas ng patalim ang mga suspek at itinutok sa leeg ng biktima bago hinatak pababa sa tricycle na naging dahilan upang masugatan sa binti ang biktima.
Sinakyan ng mga suspek ang tricycle at tumakas habang humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis.
Kanina ay nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nasaksak si Del Rosario matapos masangkot sa gulo sa Quiricada, Manila at dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
Isinama ng mga pulis ang biktima at nang makita si Del Rosario ay positibong kinilala na isa sa tumangay sa kanilang motorsiklo kung saan itinuro naman ng suspek kung nasaan ang tricycle na naging dahilan upang mabawi.
The post Carnapper nadakip nang masaksak sa away appeared first on Remate.