Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sa QC

HINATULAN kaninang umaga ng habambuhay na pagkabilanggo ng Quezon City  court ang isang lalaki at babae matapos  mapatunayang nagkasala ng kasong kidnapping at serious illegal detention sa isang tricycle driver apat na taon na ang nakalilipas.

Kinilala ang hinatulan  ng habambuhay  na si Joege Laguno  at  Francia  Regachuelo na napatunayang  dumukot  sa  isang  biktimang tricycle driver na kinilalang si Christian Philip Galera.

Ayon sa rekord ng korte  dinala ang biktimang  si Galera  ng  mga akusado  sa  isang liblib na lugar  ng  Santa Rosa, Laguna  at sinaksak ang una  na  malubhang  ikinasugat  nito.

Nabatid sa 12-pahinang  desisyon ni Judge  Charito Gonzales  ng Quezon City Regional Trial  court Branch  80, si Galera  ay  nagbigay  ng  testimonya sa insidente  mula  sa pagdukot sa kanya habang sakay  si Laguno  ng  isang tricycle  sa  Molave St., Project 3, QC.

Nabatid sa  rekord  na  dinala  ang  biktima  sa  K7th Street, Kamias at  puwersang  ipinasok sa Mitsubishi  Pajero  na  minamaneho  ni Ragachuelo nitong  nakalipas  na Enero 11, 2009.

Napatunayan  din ng korte  na  ang  mga  akusado  ay  puwersahang dinukot ang  biktima ng labag  sa kanyang  pagkatao.

“No matter what the intention of the accused in getting Galera, the accused had no right to deny Galera’s application to go home. The accused determined effort to drive towards Sta. Rosa Laguna despite Galera’s continued plea to turn around shows the unequivocal intent of the two accused to deprive Galera of his liberty,’’  ayon sa  desisyon ng korte.

Ayon sa  rekord tinangkang patayin ang biktima sa  pamamagitan ng pagsaksak sa kanya at iniwan ng mga akusado subalit nabuhay  ito  dahilan para makahingi ng saklolo at ipagharap ng  kaso ang mga suspek.

The post 2 hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sa QC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>