MINABUTI na lamang ng 23-anyos na mister na wakasan ang kanyang buhay dahil sa pang-aaway ng selosang misis sa text messages kaninang umaga sa Tondo, Maynila.
Idineklarang dead on arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Jerome Castillo, isang storeowner sa 2443 Kasilawan, Sta Mesa, Maynila.
Sa report, natagpuang nakabigti ang biktima sa kisame ng tindahan sa pagitan ng 10:00-11:00 ng umaga.
Nauna rito, nagtataka si Onasis Panganiban, kapatid ng may-ari ng tindahan kung bakit sarado pa ang tindahan at nang kanyang buksan ay bumungad sa kanya ang biktima na nakabitin ang leeg gamit ang isang cord.
Posible namang napundi ang biktima sa panay-panay na pagti-text ng asawa ng biktima na umano’y selosa at nakatira sa Mandaluyong City kaya tuluyan na itong napundi.
Tumanggi namang paimbestigahan ang pagkamatay ng biktima dahil na rin sa kahilingan ng kanilang kamag-anak.
The post Mister na napundi sa selosang misis, nagbigti appeared first on Remate.