NASABAT kaninang umaga ng Bureau of Customs (BOC) ang 16 na 20-footer container na naglalaman ng bigas at walong 20-footer container na may laman namang asukal matapos tangkaing ipuslit sa Port of Manila.
Sinabi ni BOC Comm. Ruffy Biazon, galing Vietnam ang bigas na nagkakahalaga ng P28-milyon habang galing naman sa Thailand ang asukal na may halagang P14-milyon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Customs tariff ang mga consignee na Highest Regard Enterprises at Victorious One Enterprises matapos ideklarang steel frames, steel coils at hinges ang nasabing kargamento.
The post P42M bigas at asukal, nasabat ng BOC appeared first on Remate.