NAIS ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na pag-isahin o pagpapasara sa mga pantalan o ports na maliit ang aktibidades o ginagamit sa smuggling ng kalakal.
Sinabi ni Biazon na ang pag-merge ng ports ay makatutulong ng malaki sa streamline operations at matatapyasan ang operation costs.
“Ang purpose nito is to maximize the people and make it simpler to manage. If it comes out in the evaluation that it is costlier to maintain the port than shut it down, we will consider it,” pahayag nito.
“If it is not justifiable because of low volume, we can merge with other ports, dagdag pa nito.”
Sinabi pa ni Biazon na ang pantalan sa pantalan sa Limay at Mariveles ang ikinokonsiderang pag-iisahin. Habang aniya ang port of Limay ay kumikita ng bilyong piso, karamihan sa mga hinahawakan nito ay shipments ng Petron Corp.
“Customs men just wait there…Because we are short on manpower, we wil merge Limay with Mariveles,” dagdag pa nito.
Nauna nang sinabi ni Biazon na posible rin aniyang ipasara na lamang ang ilan sa mga pantalan na talamak ang smuggling activities.
Sinabi rin nito na plano ng ahensya na ipa-decongest ang ilang pantalan sa Manila na ang trapiko ay mahigpit.
“We want to disperse to Batangas or Subic but there are factors involved to do that,” pagtatapos nito.
The post Biazon nais pag-isahin ang mga pantalan appeared first on Remate.