DAHIL sa problema sa buhay ay nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti ang dalawang babae sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City kagabi.
Ayon sa pulisya, naganap ang unang insidente matapos matagpuang wala nang buhay at nakabigti ang biktimang si Glenda Guian, 31, ng No. 20 Bignay St. Project 2, Barangay Quirino 2-A, QC.
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 9 Anonas natagpuang wala nang buhay ang biktimang si Guian alas 11:00 ng kagabi sa loob ng kanilang bahay sa no. 20 Bignay St., Project 2, Barangay Quirino 2-A, QC.
Hinihinala ng pulisya na problema sa sarili ang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima gamit ang isang kumot na itinali sa kisame ng kanilang bahay.
Kaugnay nito kasunod na insidente natagpuang wala nang buhay ang biktimang si Ardith Marino, 38, ng 85 Rodman St. Talanay A, Barangay Batasan Hills, QC matapos magpatiwakal dakong 4:00 ng hapon kahapon.
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station-6 Batasan, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Marino matapos magpatiwakal at itinali ang manipis na kumot sa kanyang leeg saka itinali sa taas ng kanilang bahay.
Hinihinala ng pulisya na problemang personal ang dahilan ng pagpapatiwakal ng mga biktima.
The post 2 nagpakamatay dahil sa problema appeared first on Remate.