Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

7 nalason sa Nami sa Catanduanes

$
0
0

HALOS maubos ang miyembro ng isang pamilya makaraang malason sa kinaing Nami sa Barangay Sto. Niño, Virac, Catanduanes.

Nabatid na dahil sa kakulangan ng makakain, naisipan ng amang si Jeffrey dela Rosa, 28, na magluto ng ginataan na hinaluan ng nasabing uri ng root crop.

Pinagsaluhan ito ng kanyang dalawang anak, buntis na asawa at dalawa pang kamag-anak na kasama sa bahay ngunit nang lumipas ang ilang oras, nakaranas ang mga ito ng pagkahilo, pagsusuka, pagtatae at mataas na lagnat.

Agad na isinugod sa ospital ang mga biktimang sina Gigi dela Rosa, asawa ni Jeffrey, dalawang anak at ang mag-asawang sina Ryan at Mary Jane dela Rosa.

Dahil din sa matinding epekto ng lason sa buntis na si Gigi, napaaga ang panganganak nito kung saan patay nang lumabas ang bata.

Sa kasalukuyan ay nananatili pa sa ospital ang buong pamilya ni Jeffrey kasama na ang dalawang anak at maging ang kanyang kapatid at hipag.

Ang Nami (Dioscorea hispida Dennst) o Namo (in Bikol) or Kayos ar Kayut or Nami (in Tagalog) o Mexican wild yum (in English) ay isang uri ng root crop kung saan kadalasan na ipinapangpalit sa kanin lalo na ng mga kababayan na nasa bulubunduking bahagi na nakatira.

The post 7 nalason sa Nami sa Catanduanes appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>